Mahirap ang maging isang babae sa isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan tulad ng Pilipinas.
Marami na rin ang itinakda ng lipunan na nakakasagka sa kalagayan ng kababaihan, hindi lamang sa kultural maging sa pulitikal.
Simula nang dumating ang mga mananakop na Kastila sa ating bansa, nakulong ang mga kababaihan sa isang hawla na ang tanging gawain lamang nila ay manilbihan at sumunod sa mga utos ng nakakatanda at ng mga lalaki.
Sila ay naging pasibo. Dulot ito ng isang pyudal na sistema kung kaya’t ang mga kababaihan ay nakatali lamang sa mga gawain sa bahay at pag-aalaga ng mga bata at matatanda.
Sa pagdating naman ng mga Amerikano, pinaniwala nilang malaya na ang mga kababaihan sa hawla kung saan sila ay matagal nang nakapiit. Ngunit sila lamang ay ikinulong sa isang pang hawla ng komodipikasyon, isang napaka…
**to be continued..
Sa mga nakaraang araw ako ay naging manhid at sa rurok niyon ay napag-isip isip ko na ako’y nag-aagam agam na pala!
Hindi ka ba natatawa? O sadyang nabalutan ka na ng malalamig na yelo sa iyong paligid kung saan ka naging tuluyang manhid sa mga pangyayari?
Ang sayang isipin na napakaganda ng bukas na sana’y ating haharapin.
Wala na nga lang kwenta kung ganyan ka rin mag-isip at makiramdam sa mga bagay-bagay.
Layon ko man, hindi na kita maaaring samahan sa mga susunod na paglalakbay sa isang masalimuot na bukas.
Since I was a child the struggle for an identity had been there throughout the infinite phases of my damn life.
wait lang! nachachakan ako lalo na pag english ang language.
aun. ang laman lamang nito ay isang paghingi ng kapatawaran sa mga nasaktan ko at nadamay sa aking pagiging selfish.
marami na akong naapektuhan at nabiktima. o siguro lang ay di nila alam na naging biktima sila ng isang kasakiman at pagiging self-centered ko.
hindi na ako nagbago.
hindi ko alam kung paano babaguhin ang pag-iisip na kailangang kong makuha ang mga bagay na gusto ko.
napaka-burges na pag-iisip na di ko pa nababaka sa aking sarili.
nahihirapan ako hindi dahil ako lang kundi marami ang naapektuhan at nasisira.
marahil hindi nyo pa maintindihan ngayon pero sa paglipas ng panahon ay magagrasp nyo rin ang gusto kong ipahiwatig.
muli, patawad sa lahat ng aking naging biktima at patuloy na biktima ng isang kabulukan ng sistema ng aking sarili.
kung naging madali man ang ating pagsasama
hindi ko maikakaila na naging bahagi kayo ng aking buhay
kung saan ako ay natuto at umunlad
kung naging malungkot man, hindi pa rin maipagkakaila ang mga masasayang alaala
kung saan nakilala natin lalo ang ating mga sarili at isa’t isa
muli ako ay nagpapasalamat sa mga magagandang alaala
at hindi sa mga pangit na nakaraan na naging sagka sa ating bukas
dahil itinuturing ko itong mga dahong nabubulok ngunit nagiging pataba
na magbibigay ng isang magandang bunga ng pinagsamahang walang kupas.
august 2007
alam kong masama ako lalo na sa mga taong chaka at masama sa akin.
marami ng taong nainis sakin simula elementary siguro pati na sa high school.
pero kahit na ano pa man ang dahilan nyo kung naging masama ako sa inyo sa anumang paraan, patawad.
1st year high school
Nakita kita at hindi ako nagandahan sa’yo. Ngunit naging magkaibigan tayo. Maganda ang ating samahan, sa katunayan nga ay may mga araw na tayo ay magkasama. Naging close naman tayo kahit papaano. Ngunit PLASTIK ka pala! Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko sa’yo at ganyan ka sa akin.
2nd year high school
Tinuloy ko ang pagiging chummy sa’yo. Pero ang PLASTIK mo talaga. SINUNGALING pa! Andami mo nga naloko sa batch natin. Nakakatawa. Pero naging mabait pa rin ako sa iyo nun. Nung umiyak ka at sinabi mo ang mga problema mo sa akin, nakiiyak rin ako sa iyo at tinulungan ka pa. Masama ka.
3rd year high school
Ayoko na sa iyo. Nakakasawa at nakakasuka ang pagmumukha mo. Wala kang kwenta! Wala ka ng pag-asa sa buhay. Kaya di na kita pinapansin.
4th year high school
Kinausap mo ako na parang di mo ko pinaplastik. Magaling kang umarte. Haha. Andami mong nahamig ngunit marami rin ang sawa na sa mga kasinungalingan mo. Feeling mo makadiyos ka! Wahahaha. Nakakatawa ka talaga.
sometime sa taon na ito, few weeks ago
Pinuna kita sa isang magandang paraan. Hindi mo lang alam kung paano ang effort ko para di magmukhang harsh yung puna ko pero di mo tinanggap! Haha. At naisip mo na masama ako sa iyo. Oo masama dahil kahit ano pang gamitin mong salita ay yun pa rin ang meaning nun. You trying hard self-uplifting mask! Paksyet.
kung susumahin ang lahat ng naganap sa aking buhay, masasabi ko na hindi ko alam kung masaya pa ba ako o hindi.
marami ng nangyari. mga kalungkutan at kasiyahan. ngunit mas nararamdaman ko ang sakit ngayon sa aking pagkatao.
hindi ko alam kung masaya pa ba ako sa buhay ko ngayon o dapat ba talagang maging masaya ako.
hindi ko maiwan ang aking kinagisnang buhay sa kasalukuyan upang tumakas sa isang masaklap na katotohanan.
hindi ko magawang kumawala sa isa sa mga tanikala na nakagapos sa aking katauhan.
kailan ko matatagpuan ang totoong kaligayahan?